11.02.2009

In the middle of the sea

treading, trying to not try too hard
so as not to stiffen muscles to cramps

not wont to use free style
knowing my own body parts well enough
to be sure they can not
coordinate accordingly
to keep me afloat

back stroke, the one
i used twice out of three in PE II,
allows one to lie flat on the water,
breathing deeply in and out,
staring almost unlimitedly at the sky
and everything seems within reach, bounded only by
the corner of an eye

or swim like a frog
cut through the deep, kick to surge on,
pave the path, power moves and press to once again,
get the air one needs --

in the middle of the sea,
knowing what depth lies beneath the serene,
mother earth's mouth that swallows
the remains of fiery storms --

in the middle of the sea,
rendered deaf by the sound of wind and waves and ocean's breath, certain of sunlight in any event that sees the failing of limbs,
a fresh chapter in the chronicles of faith.

9.27.2009

I'll follow the sun (apologies to The Beatles)

(Without electricity nor water, we listened to the radio most of the day while doing non-electronic doables. My husband and I were irked by the obvious attempt to put the spotlight on a presidential bet who supposedly directed the nationwide efforts to respond to the widespread havoc wrought by typhoon Ondoy. Later in the evening pagbalik ng kuryente na-depress kami sa footages ng baha at pinsala.

Sa huli't huli, nakakapanatag ang pangingibabaw ng pagtutulungan at damayan ng mga ordinaryong tao. May rescue operation o wala, maraming bayaning-walang-mukha't-walang-pangalan na nagpursigeng makatulong o pangibabawan ang pangamba alang-alang sa mahal-sa-buhay man o kababayang nangangailangan. Sa wakas tuloy natapos ko ang post na ito --)

Lahat tayo, saksi sa o bahagi ng sari-saring mga pagbabago. Yun bang mga mumunti o malaki, nadyaryo man o hindi.

Bilib ako sa pagbabago. Lalo pagkalipas ng kolehiyo, naging saksi rin ako -- hanggang ngayon -- sa mga pagbabagong pawang nakakamit ng mga ordinaryong mamamayan dahil sa sarili nilang pagsisikap at/o pagtutulung-tulungan (nang hindi na umaasa sa gubyerno dahil ang huli'y kundi lalong nagpapahirap ay 'di ma-reach' o absent pa).

Halimbawa, sa pagkakaroon ng malinis na tubig sa sentro ng baryo na dati'y kilometro muna'ng nilalakad bago makaigib. O sa pagpapalago ng saka ng ilang sityo sa ilang ektarya ng lupang matagal na nakatiwangwang. Pagkakaroon ng literacy & numeracy trainings para sa kabataan o kahit mga nanay at tatay na di na nakapag-aral. Medical trainings hanggang magkaroon ng healthworkers sa maraming lugar na wala, bibihira o laging sarado ang health center. Livelihood projects na pinagtutulung-tulungan ng kababaihan kaya't mas malaki ang kita kaysa kung kanya-kanya lang ang - o walang - trabaho. Advocacy ng human, women's and children's rights... kaydami pang halimbawa, tiyak akong may maidadagdag din kayo rito.

Diba kwento ng 'triumph of the human spirit' ang pagsibol ng sari-saring inisyatiba ng taumbayan? Totoo, nagdudumilat ang katiwalian (misteryo pa ba sa taumbayan kung sinu-sinong pinaka-korap?), kaliwa't kanan ang human rights violations (at pagpuri sa perpetrators!), pamahal nang pamahal ang ating basic needs, sige'ng taas ng unemployment rate... andaming dahilan kung bakit marami na nga siguro ang sinikal. Pero hindi tayo nawawalan ng pag-asa.

Katunayan, habang lalong lumalala ang lagay ng lipunan, lumalawak pa ang panawagan para sa pagbabago. Di nawawala ang tema sa mga popular na awit. Paksa rin ng TV networks mula special issue/ interest initiatives (halimbawa, yung 'Ako ang Simula' -- ganda ng konsepto, ganda ng awit [naro'n si Rico Blanco, Raymund Marasigan, Aya ng Imago!], ganda ng mtv, kahanga-hanga ang naipapakitang reach at groundwork sa buong kapuluan) hanggang telenovelas (hindi lang kyut si Santino na paborito ng anak namin, maraming aspeto nung kwento (kahit sabi'y nakakamukha o inspired ng Italian 'Marcelino Pan y Vino' at sadyang parental guidance) ang socially relevant (kahit yung dating 'Kung Mawawala Ka' at marami pang iba!). Parami nang parami ang mga grupo't organisasyon na para sa mga bata, kababaihan, mga sektor, at tungkol sa pagsulong ng mga kapakanang pambahay, medikal, pantrabaho, pang-edukasyon, pangkultura, ispiritwal, atbp. Sa iba't ibang levels/ capacities nakakalahok sa mga ito ang sinumang gusto ng pagbabago -- from all walks of life.

Kaya kahit kabisado na ng madla ang problematikong sistema sa bansa, at ang pamamayagpag ng guns, goons & gold, diba natututunan na rin natin ang katapat nito -- diba people power? Kahit anong depinisyon mo o porma ng people power, basta't yung 'for & by the people (diba't napakaraming posibilidad nito?)', bahagi ng makapangyarihang kabuuan na yun, diba? Napaka-vital nga lamang na mayroong mag-harmonize ng samutsaring strings na ito ng people power para yanigin ang naka-mighty bond na powers-that-be...

For a moment nangilabot ako nang magparaya si Mar Roxas. Naisip ko, this might be another beginning of things to come, with another decisive wave of the people's cooperative action for change taking form. Nang magdeklara naman si Noynoy noong 09-09-09, ito ang nabuo sa isip ko:

Galing sa angkan ng mga asendero si Noynoy. Lackluster ang track record nya bilang mambabatas laluna kung ikukumpara sa iba pang nag-aambisyon mag-Presidente. Pero may punto ang ibang nagsulat na tungkol dito. Di sapat na tangan niya ang pamanang kabayanihan ni Ninoy, ang Cory Magic o asosasyon sa mga ito. Kailangang makikinig siya sa mga matagal nang ipinaghuhumiyaw na panawagan ng mga Pilipino (lupa! trabaho't seguridad rito! kultura't edukasyon, kalusugan! karapatang-tao! kasarinlan! pananaig ng boses ng mamamayan, di ng iilan! atbp). Sana ituluy-tuloy niya ang 'pakikinig' sa taumbayan na aniya'y major voice sa desisyon niyang tumakbo sa pagkapangulo ng bansa. Sana i-prove ng ticket nila na they are indeed deserving of the trust and solidarity of those who have long been working for genuine changes, or that they are indeed different from those who only want to replace the current administration yet already show obvious signs of self-centeredness.

Sa huli't huli, sinuman ang pumalit sa pwesto ay palaging magiging accountable sa taumbayan. Iitsapwera man o hindi ng nasa pwesto ang interes nila, ang taumbayan ay mananatiling apoy na siyang init at buhay ng puspusang pagsusumikap na magkaroon ng katuparan ang mga mithiin ng mas nakakarami.

Samantala, tuloy ang ating paglalakbay. Nang sinusundan ang Araw.

9.03.2009

Now he wishes to run*

As if in a virtual dance with his LolaHeart, our son is also 'relearning to walk' (LolaHeart's email subject today) . Yesterday (the day after his doctor assured him that there is no more danger of refracture as his healed bone is as good as his left thighbone) he decided to stop using crutches. With his Tay and I holding his hands on both sides (Hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay...) , he began walking from the top of the stairs of their schoolbuilding towards his front classroom seat. After classes he also walked from the classroom to the top of the stairs, and from the bottom of the stairs to the schoolgate (there's the much longer walk). Just a few minutes ago he managed while we assisted him to walk down the stairs of the family compound.

While walking he'd attempt to speed up and drag us to move faster... still we remind him to take his time. Deep inside though, we really are excited and told his Ninong Dr. na sana'y mag-dilang-anghel sya when he told us that he thinks our big boy will be running by next month. :)

We hope and pray that our dear cousin is recovering well, too.

*We shared a little older version of this with family and friends thru email today.